Alas ng Bayan 2.0: Student Interpretations of Heroism, Gender, and Historical Agency

The Alas ng Bayan exhibit of the Constantino Foundation advances a critical engagement with Philippine history by foregrounding the political agency and historical significance of Filipinas. In its second iteration, Alas ng Bayan 2.0 positions students as active interpreters of history, inviting them to reflect on the concept of heroism and to examine how women’s contributions to nation-building are articulated, remembered, and evaluated across time.

 

Student reflections generated through the exhibit reveal a complex understanding of the Alas ng Bayan as a historically situated figure whose significance emerges through sustained engagement with collective struggle rather than isolated acts of valor. 

Heroism as Ethical and Collective Practice

Across the student responses, heroism is consistently framed as an ethical practice rooted in service to the people. While students acknowledge armed resistance as part of Philippine revolutionary history, many emphasize that heroism cannot be reduced to militarized action alone.

As one student noted, “Hindi lahat ng bayani ay may armas; ang iba ay lumalaban sa pamamagitan ng paninindigan.” Another reflection stated that heroism entails the willingness to act “kahit may takot at panganib.”

These statements suggest a critical departure from celebratory or individualized narratives of heroism, foregrounding instead a conception of the Alas ng Bayan as accountable to collective needs and historical conditions.

Women’s Centrality in Revolutionary History

A significant number of students identified Gregoria “Oriang” de Jesus, the Lakambini of the Katipunan, as exemplary of women’s historical agency. Their reflections challenge narratives that confine her role to symbolic or domestic functions within the revolutionary movement.

One student wrote, “Hindi lamang siya asawa ng Supremo; isa siyang lider na may sariling paninindigan.” Another emphasized that Oriang’s life illustrates how women were “hindi nasa gilid ng rebolusyon, kundi nasa gitna nito.”

Through these interpretations, students assert that women’s labor, leadership, and endurance were integral to the survival and continuity of revolutionary movements, thereby contesting gendered omissions in dominant historiography.

Contemporary Figures and the Continuity of Struggle

Students also extended the concept of Alas ng Bayan to contemporary contexts, identifying women whose activism addresses present-day social and environmental struggles. Figures such as Gloria “Ate Glo” Capitan, an environmental defender from Bataan, were cited as examples of modern heroism grounded in community advocacy.

A student described her as “isang halimbawa ng paninindigang hindi natitinag,” while another emphasized that her actions demonstrate how heroism persists “kahit sa harap ng banta at karahasan.” These reflections indicate an understanding of heroism as a living tradition that adapts to changing socio-political conditions while retaining its ethical core.

Historical Learning and Critical Consciousness

Beyond identifying heroic figures, student reflections demonstrate a developing historical consciousness attentive to questions of power, representation, and responsibility. One student observed, “Ang kasaysayan ay hindi lamang paggunita, kundi pag-unawa sa ating papel sa kasalukuyan.” Another noted that engaging with the exhibit revealed how historical narratives are shaped by whose voices are amplified or silenced.

Such responses suggest that Alas ng Bayan 2.0 functions as a pedagogical intervention that encourages critical engagement with history rather than passive consumption of established narratives.

The Youth as Historical Interpreters

Alas ng Bayan 2.0 positions the youth not as passive recipients of historical knowledge, but as active interpreters of history. Through critical reflection, students are invited to examine how heroism and national responsibility are understood across time and how these ideas acquire meaning in the present.

Student responses reflect an awareness of history as an ongoing process. As one student observed, “Ang kasaysayan ay hindi lamang tungkol sa nakaraan, kundi tungkol sa kung paano tayo kikilos sa kasalukuyan.” Another asked, “ano ang papel ng kabataan sa pagpapatuloy ng mga laban ng bayan.”

These reflections indicate a developing historical consciousness in which young people recognize themselves as participants in continuing social struggles. By foregrounding student voices, Alas ng Bayan 2.0 challenges hierarchical models of historical knowledge and affirms that the youth can produce historically grounded and socially engaged interpretations.

Conclusion

Alas ng Bayan 2.0 approaches Philippine history as an active and contested field shaped by social struggle rather than as a fixed narrative of heroic figures. By foregrounding Filipinas as historical and political actors, the exhibit challenges reductive accounts of women’s participation and emphasizes the collective conditions under which resistance and nation-building take place.

The exhibit resists treating historical figures as isolated icons and instead situates them within broader movements, material realities, and ethical commitments. In doing so, Alas ng Bayan 2.0 reframes heroism as a relational and historically grounded practice rather than a spectacle detached from historical context.

Through the integration of student reflections, the exhibit demonstrates how historical meaning continues to be produced through critical engagement in the present. Rather than closing history through commemoration, Alas ng Bayan 2.0 opens it as an ongoing inquiry—one that remains deeply connected to questions of power, responsibility, and social transformation.

Student Engagement and Reflections

Reflection #1
 
 
Para sa akin, nangingibabaw si Gregoria De Jesus. Napansin niyo din ba? Parehas kami ng apilyedo, ano? Ayon sa aming lolo, maituturing daw naming ninuno si Gregoria De Jesus ngunit ito ay hindi pa namin napapatunayan. Si Gregoria De Jesus ang unang babaeng parte ng Katipunan, siya ang asawa ni Andres Bonifacio at tumatayong bise sa Katipunan. Ang kaniyang katapangan at katibayan ng loob ang nagbigay sa kaniya ng lakas na mamuno nuong mga panahong iyon. Nuong namatay si Andres Bonifacio, siya ang tumayong tagapag-asikaso ng mga dokumento at mga kinakailangan ng organisasyon. Sa tingin niyo kaya niyo din bang gawin iyon? Talaga namang pinatunayan ni Gregoria De Jesus ang kaniyang titulo bilang “Lakambini ng Katipunan”.
 
Ang babaeng karapat-dapat maging Alas ng Bayan 2.0 para saakin ay si Carmen “Nanay Mameng” Deunida, isang urban poor leader at aktibista na nag-alay ng buong buhay niya sa pakikipaglaban para sa karapatan ng maralitang Pilipino. Mahigit limang dekada siyang nanguna sa mga kilos-protesta, dialogo, at community organizing upang ipaglaban ang karapatan sa pabahay, disenteng kabuhayan, at dignidad ng mga nasa laylayan—kahit pa ilang beses siyang ikinulong, tinakot, at pinatahimik.
Bakit siya? Dahil si Nanay Mameng ay patunay na ang modernong bayani ay hindi kailangang may kapangyarihan o posisyon sa gobyerno. Siya ay sandata ng bayan sa anyo ng konsensya—isang babaeng tumindig para sa mga walang boses, at hindi umatras kahit paulit-ulit na tinatalo ng sistema. Sa komiks man o sa makabagong panahon, siya ang Alas ng Bayan na nagpapaalala: ang tunay na lakas ay nagmumula sa paninindigan at malasakit sa kapwa.
 
“Titigil lang ako pag pikit na ang mata ko! Ano pa ba ang magagawa ko e patay na ako. Hindi ito para sa akin, kundi para sa sa mga apo ko, masakit ang loob ko kapag nakikita ko silang nagkakasakit.”
Ang buhay ni Gloria Capitan ay simbolo ng katapangan at paninindigan. Siya ay hindi pulitiko o mayamang indibidwal kundi isa lamang siyang pangkaraniwang mamamayan na tumindig laban sa mga coal plant at imbakan ng uling na sumisira sa kalusugan at kapaligiran ng kanilang lugar sa Bataan. Bahagi ng kanyang pagkatao ang malalim na pagmamalasakit sa kapwa, mas pinahahalagahan niya ang kapakanan ng mga bata at pamilya sa kanilang komunidad kaysa sa sarili niyang kaligtasan at kapakanan. Kahanga-hanga rin ang kanyang katapangan sapagkat hindi siya nagpadaig sa takot sa mga taong mas makapangyarihan kaysa sa kanya at sa halip, hinaharap at nilulutas niya ang mga suliranin sa pamamagitan ng wasto at legal na pamamaraan. At hanggang sa kanyang huling sandali, nanatili siyang matatag at hindi kailanman nagpatinag.
Sa kanyang buhay at sakripisyo, ipinakita ni Gloria Capitan na ang pagiging bayani ay hindi nasusukat sa posisyon o kapangyarihan, kundi sa tapang na ipaglaban ang tama para sa bayan.
————————————————–
“Lumipad ang aming team” mga katagang marahil pamilyar at hindi na bago sa ating mga pandinig. Tama, ang aking napili bilang isang alas ng bayan ay walang iba kung hindi si Maria Jessica Aspiras Soho o mas kilala bilang “Jessica Soho”. Isang world class journalist na ginamit ang kanyang boses, kakayahan, at impluwensiya sa media ipang lagyan ng boses ang mga pangkaraniwang pilipino at bigyang katotohanan ang mga pangyayari sa bansa. Samu’t saring kwento na ang kanyang natalakay, maaaring sa pang araw araw na pamumuhay o di kaya naman sa malalaking isyu ng bansa. At sa higit 40+ taon na serbisyo at hindi mabilang na mga dokumentaryo, balita, at isyu ang kanyang nabunggo talagang bakas pa rin sa kanyang pagkatao ang kanyang angking katapangan, katalinuhan, integridad at ang puso para magsilbi sa kapwa nya pilipino.
 
Maraming kahanga-hangang kababaihan ang makikita sa Alas ng Bayan. Bawat isa sa kanila ay may kani-kanyang kuwento ng tapang, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan. Sa kabila ng mga pagsubok, ipinakita nila ang kanilang lakas at tapang upang makamit ang kalayaan at katarungan. Ang bawat kababaihan ay may mahalagang papel na ginampanan sa ating kasaysayan, at ang kanilang mga kwento ay patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa mga susunod na henerasyon.
Kung ako naman ay papapiliin kung sino ang Alas ng Bayan, ito ay si Remedios Gomez-Paraiso o kilala ring Kumander Liwayway. Siya ang aking napili sapagkat sa panahon ng mga Hapon, maraming kababaihan ang takot na lumabas at makialam sa digmaan, ngunit siya ay nagpakita ng lakas ng loob upang lumaban. Si Kumander Liwayway ay isang Filipino guerilla fighter noong World War II, at isa siya sa mga pinaka-tanyag na lider ng Hukbalahap sa Luzon.
Sa kabila ng mga kalupitan ng digmaan, pinili niyang tumayo at maglingkod sa bayan. Nang magsimula ang mga Hapon sa pananakop, hindi siya tumigil sa paglaban, kundi ipinagpatuloy niya ang pakikibaka sa ngalan ng kalayaan. Si Remedios Gomez-Paraiso ay hindi lang isang babae, kundi siya ay isang simbolo ng tapang at lakas ng kababaihan kaya siya ang aking napiling Alas ng Bayan.
 
Maraming kababaihan ang maituturing na Alas ng bayan, sapagkat maraming lakas na nagmula sa babae ay nasa sentro ng ating kasaysayan.
Ngunit para sa akin, ang pipiliin ko ay si Ma. Lorena Barros bilang “Alas ng Bayan” dahil siya ang nagsilbing makapangyarihang simbolo ng pagbabago na bumasag sa tradisyunal na imahe ng mahinang babae sa lipunan. Bilang tagapagtatag ng MAKIBAKA, pinag-isa niya ang laban para sa karapatan ng kababaihan at ang malawakang pakikibaka para sa pambansang demokrasya, na nagpapatunay na ang boses ng babae ay krusyal sa paghubog ng kasaysayan. Ang kanyang talino bilang makata, tapang bilang gerilya, at hindi matatawarang prinsipyo hanggang sa kanyang huling hininga ay nagsilbing “alas” na nagbigay ng bagong pag-asa at direksyon sa kilusan laban sa diktadurya. Siya ang alas dahil sa gitna ng panganib, pinili niyang itaya ang kanyang buhay upang gisingin ang kamalayan ng sambayanan at itaas ang antas ng dangal ng bawat Pilipino.
 
“Hindi lang siya ang ‘Lakambini’ ng Katipunan; siya ay isang tunay na mandirigma.” 🇵🇭
Bakit si Gregoria “Oriang” De Jesus ang aking piniling Alas ng Bayan?
Dahil sa kabila ng panganib, hindi siya nag-atubiling humawak ng armas, matulog sa kagubatan, at uminom ng maruming tubig para lamang sa ating kalayaan. Ipinakita niya na ang papel ng babae sa rebolusyon ay hindi lamang tagatago ng dokumento, kundi isang aktibong puwersa sa pakikipaglaban. Tulad ng sinabi niya, wala siyang takot harapin ang kamatayan para sa ating bansa.
Kung mag-no-nominate naman ako ng isa pang babae bilang Alas ng Bayan, pipiliin ko si Gabriela Silang. ⚔️
Bakit? Dahil matapos pumanaw ang kanyang asawa, hindi siya sumuko. Siya ang naging unang babaeng heneral na namuno sa isang pag-aalsa laban sa mga Kastila. Patunay siya na ang katapangan ay walang kasarian, at ang pag-ibig sa bayan ay kayang magtulak sa atin na gawin ang akala nating imposible.
Sila ang mga tunay na alas—matapang, matatag, at hindi matitinag. ✊🏽
 
“Titigil lang ako pag pikit na ang mata ko!”
Si Gloria Capitan, o mas kilala bilang si “Ate Glo” ay isang magiting na environmental defender mula sa Bataan na nanguna sa laban sa polusyong dulot ng nakalalasong alikabok ng uling (coal). Nagsimulang sumibol ang kanyang pangalan sa kasaysayan ng pakikibaka ng itatag nya ang “Coal-Free Bataan Movement”, na kung saan sya ay naging boses ng mga maliliit na mamayang nagnanais ng malinis na hangin at ligtas na kapaligiran.
Pinili kong Alas ng Bayan si Gloria Capitan dahil siya ang simbolo ng paninindigang walang takot. Sa kabila ng mga banta sa kanyang buhay, hindi niya tinalikuran ang kanyang prinsipyo at patuloy na nagsilbing liwanag sa madidilim na isyu ng polusyon sa Bataan. Ang kanyang pagkamartir ay hindi tanda ng pagkatalo, kundi isang hamon sa ating lahat na huwag manahimik. Siya ang ‘Alas’ na nagtaya ng lahat para sa ating karapatan sa isang malusog na kapaligiran.
————————-
Tulad ni Gloria Capitan, gusto kong inomina si Nadine Lustre bilang “Alas ng Bayan” dahil kagaya ni Ate Glo ay di sya nag alinlangan na ipaglaban at protektahan ang ating kalikasan sa kabila ng kaniyang pagiging artista. Sa gitna ng kanyang kasikatan, pinili niyang maging boses sa mga isyung politikal at pangkalikasan, tulad na lamang ng kanyang pag advocate at pagtulong sa reforestation ng gubat ng Masungi at mga baybayin ng Siargao. Dito ay kanyang napatunayan na ang tunay na impluwensya ay di nasusukat sa kasikatan, kundi sa lalim ng paninindigan at serbisyo sa bayan.
Pinili ko siya dahil hindi siya natatakot na gamitin ang kanyang plataporma bilang isang sikat na personalidad upang ilantad ang mga isyung pangkapaligiran, kahit pa mangahulugan ito ng pagharap sa mga batikos o panggigipit. Tulad ni Ate Glo, ipinapakita ni Nadine na ang pagtatanggol sa ating likas na yaman ay isang mahalagang tungkulin na nangangailangan ng tapang at paninindigan. Sila ang simbolo ng mga makabagong Pilipina—matapang, mulat, at handang itaya ang lahat para sa isang luntian at mas ligtas na kinabukasan para sa lahat.
 
Si Gregoria De Jesus o mas kilala bilang si 𝐎𝐫𝐢𝐚𝐧𝐠 ay ang Lakambini ng Katipunan na nagsilbing taga ingat ng mga lihim na dokumento at sandata ng rebolusyon. Hindi lamang siya asawa ng Supremo kundi isang matapang na sundalo na natutong bumaril at sumakay sa kabayo upang ipaglaban ang ating kasarinlan. Sa gitna ng digmaan ay dumanas siya ng matinding hirap tulad ng pagtulog sa kagubatan at pag inom ng maruming tubig mula sa mga putikan para lamang hindi mahuli ng mga kaaway.
Pinili ko si Oriang dahil sa kanyang liderato at pagmamalasakit sa kapwa. Siya ay naging boses ng mga kababaihan sa gitna ng pakikibaka at naging simbolo ng katatagan ng bawat Pilipino. Ipinakita niya na ang pagmamahal sa bayan ay nangangailangan ng sakripisyo at hindi matitinag na paninindigan.
Katulad niya ay pinipili ko si Inka Magnaye bilang isang Alas ng Bayan. Napili ko siya dahil nakikita ko sa kanya ang diwa ng isang Lakambini sa modernong panahon. Kung si Oriang ay gumamit ng sandata ay ginagamit naman ni Inka ang kanyang tinig upang ipagtanggol ang dangal ng mga kababaihan at basagin ang mga maling pamantayan ng lipunan.
Napili ko rin si Inka dahil sa kanyang pagpapahalaga sa ating wika at identidad. Tulad ni Oriang na dumanas ng pagsubok sa mga bundok ay matapang ding humaharap si Inka sa mga hamon ng digital na mundo upang mapanatili ang isang ligtas at malayang espasyo para sa lahat. Ipinapaalala nila sa atin na ang tunay na kalayaan ay nagsisimula sa pagkakaroon ng boses at paninindigan sa sariling dignidad.
 
 
 
Kung may babaeng bayani na karapat-dapat gawing karakter sa Alas ng Bayan 2.0, iyon ay si Maria Orosa, siya ang babaeng ginamit ang talino bilang sandata ng bayan. Isang food technologist at guerrilla supporter noong World War II, tumulong siya sa pagliligtas ng libo-libong Pilipino sa pamamagitan ng imbensyon ng pagkaing pang-survival gaya ng banana ketchup at nutrient-rich food packs para sa mga mandirigma at sibilyan.
Bakit siya? Dahil pinatunayan ni Maria Orosa na hindi lahat ng bayani ay may armas, ang ilan ay may talino, malasakit, at tapang na maglingkod kahit sa gitna ng digmaan. Sa komiks man o sa kasaysayan, siya ang superhero na nagligtas ng bayan sa gutom at kawalan ng pag-asa.