Alas Ng Bayan 2, opisyal nang inilunsad sa PUP Mabini Campus

Matagumpay na binuksan sa PUP Mabini Campus ang Alas ng Bayan 2.0 exhibit na naglalayong itampok at pagnilayan ang unbroken line of Filipina heroism mula ika-19 na siglo hanggang sa kasalukuyan. Pinatunayan ng napakaraming dumalo ang patuloy na interes at kahalagahan ng kritikal na pag-aaral sa kasaysayan at alaala. Mananatiling bukas ang exhibit hanggang Enero 17.