Alas ng Bayan is a collaborative project organized by the Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC), the Constantino Foundation, and 350.org Pilipinas, to raise awareness about the intersections between women, history, memory, climate change, and citizenship.
The project seeks to introduce and inject history and feminism as fundamental elements in the way young people respond to the worsening state of national forgetting and the climate crisis. The Alas ng Bayan exhibit intends to mobilize sectors not normally active in the climate debate by offering new notions of citizenship and nationalism responsive to the multiple emergencies we face today. Viewers of the paintings and those who listen to the lectures that accompany the exhibit will not fail to sense parallels between the lives of the women depicted and current topics under intense public debate, such as violence against women, LGBTQ+ rights, extrajudicial killings, global warming, and national sovereignty.
Kilala bilang “Lakambini” ng Katipunan si Oriang, ang asawa ni Andres Bonifacio, ang unang pangulo ng bayan. Naging aktibong kalahok si Oriang sa Himagsikan, mul a sa pagkakatatag ng lihim na samahan hanggang at lampas pa sa Rebolusyon ng 1896. Sabi ni Oriang: “Hindi ako natakot harapin ang panganib, kahit kamatayan, pag kasama ko ang mga Katipunero sa labanan… sa pagnanais na makitang nagwawagayway ang watawat ng malayang Filipinas.” Ang pagwawakas ng karahasan sa kababaihan ay kabilang sa mga pinakamataas na kalatas ng Katipunan.
Si Apolonia ang tanging babaeng opisyal na napangal anan sa hukbong pinamunuan ni Hen. Macario Sakay, pangulo ng Republika ng Katagalogan. Halos walang nababanggit tungkol kay Catra sa kasaysayan. Wala siyang kilalang larawan at maski araw ng kanyang kapanganakan ay hindi tiyak. Napatay siya sa isang sagupaan noong ika-5 ng Marso 1905 habang pwersahang dinudurog ng Amerika ang ating Republika. Ayon sa Amerikanong iskolar na si George Yarrington Coates, “Damit pang-lalaki ang madalas isuot [ni Catra] at nakilala siya sa kanyang kalupitan at katapangan.”
Kilala bilang “Kumander Liwayway,” naging lider siya ng Hukbo Laban sa mga Hapon o Hukbalahap. Nanguna siya sa maraming sagupaan laban sa pasistang Hapon. Walang takot niyang pinamunuan ang maraming labanan sa Pampanga, Tarlac, at Zambales. Malimit siyang naglalagay muna ng lipstick bago sumabak sa labanan dahil, aniya, nais niyang maging maganda bago pumatay ng kaaway. Nang sumuko ang mga Hapon, tinugis ang mga Huk ng hukbong sandatahan ng Filipinas dal a ng utos ng mga Amerikanong opisyal, kaya’t sumapi siya sa Hukbong Mapagpalaya ng Bayan.
Lorena Barros Si Lorena ang naging pinunong tagapagtatag ng Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan o MAKIBAKA. Isang manunul at at makata, anak si Lorena ni Alicia Morelos, na apo ng isang Katipunero at naging kasapi rin ng Hukbalahap. Nagtapos ng antropolohiya sa University of the Philippines noong 1970, nanguna si Lorena sa pakikibakang nagsulong ng pambansang demokrasya. Sumampa siya sa liham na kilusan para labanan ang diktadurya. Nabaril siya sa isang enkwentro sa militar noong 1976.
Aktibistang lola si Gloria Capitan na kumilos para l abanan ang pagtatayo ngisang dambuhalang coal plant sa kanilang bayan sa Mariveles, Bataan. Kampanyador siya laban sa nagwawal ang klima at kil al a siya sa kanyang lakas ( nagtatayo siya ng mga bahay) at disiplina. Pinaslang sa loob ng kanyang kantina noong ika-1 ng Hulyo 2016, si Gloria ang unang naital ang e x traj udicial killing sa panahon ni Duterte. Sigaw ni Gloria: “ Titigil lang ako ‘pag pikit na ang mata ko ! Hindi ito para sa akin, kundi para sa mga apo ko!”